Ang mga barko’y nananatili sa daungan - saka lumayag, Ngunit laging bumabalik gaano pa man kasama ng panahon... Lilipas ang kalahating taon - saka ako'y babalik, Para lamang umalis muli bago pa man mag-kalahating taon. Ang lahat ay bumabalik - maliban ang ating matatalik na kaibigan, maliban ang mga pinakamamahal at pinakamatatapat na babae. Ang lahat ay bumabalik - maliban sa mga taong pinakakailangan natin. Hindi ako nananalig sa tadhana - lalong hindi sa aking sarili. Ngunit nais kong maniwala na hindi ganoon ang mga bagay, na ang mga barko ay hindi na susunugin pa para hindi makabalik. Tiyak na babalik ako - sa mga kaibigan at mga pinapangarap. Tiyak na aawit ako - bago pa man mag-kalahating taon.
© Susan Bacalso. Pagsasalin, 2015